Senate probe sa mga pagbaha itinakda ni Sen. Bong Revilla

SENATE PRIB PHOTO

Sa Miyerkules, Agosto 9, isasagawq ang unang pagdinig sa Senado ukol sa naranasang pagbaha sa ibat-ibang bahagi ng bansa dahil sa habagat at mga bagyong Egay at Falcon.

Ang Committee on Public Works na pinamumunuan ni Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla Jr., ang magsasagawa ng pagdinig. Sinabi ni Revilla na inimbitahan na niya ang mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para magpaliwanag sa hindi masolusyonan na pagbaha. Ito ay sa kabila aniya ng bilyong-bilyong pisong pondo na inilalaan para sa flood-control programs at projects. Sinabi pa ni Revilla na inaasahan niya na maglalatag din ng solusyon sina   Bonoan at Romando sa problema sa pagbaha Kakamustahin din aniya niya ang Flood Control Masterplan na binuo ng World Bank.

Read more...