Panibagong importasyon ng bigas pinalilimitahan ni Sen. Cynthia Villar

Bunga ng nakaambang pag-aangkat ng bigas, hiniling ni Senator Cynthia Villar na isalang-alang ang sitwasyon ng mga lokal na magsasaka. Diin ng namumuno sa Senate Committee on Agriculture chairman Cynthia Villar na hindi dapat madehado ang mga magsasaka sa bansa. Aniya hindi dapat lalagpas sa 15% ng tinatayang kakilangan sa suplay ng bigas ang aangkatin sa pamamagitan ng  government to government procurement. At kung magpapatuloy, ayon pa kay Villar, ang pagbibigay suporta sa mga magsasaka sa ilalim ng  Rice Competitiveness Enhancement Program upang matugunan na ang 15% rice shortage. Banggit niya na ayon sa Philippine Rice Research Institute (PhilRice) marami nang paraan upang mapalago ang ani ng mga magsasaka. Bukod pa kung magpapatuloy  din ang mechanization sa mga ito ay darating ang panahon na sasapat na ang suplay ng bigas sa bansa.

Read more...