Inihirit ni Senator Francis Tolentino sa pamunuan ng major tollways na huwag nang singilin ng toll fees ang mga sasakyan na may bitbit na relief goods tuwing may kalamidad o sakuna.
Sinabi ito ni Tolentino matapos ang malawakang pagbaha sa ibat-ibang bahagi ng Gitnang Luzon bunga ng ilang araw na pag-ulan dahil sa habagat at bagyong Egay.
Aniya tumutulong sa mga biktima ng kalamidad ang mga nagdadala ng relief goods.
Nagpahatid na si Tolentino ng kanyang tulong sa mga lubhang naapektuhan ng pagbaha sa Bulacan at Pampanga.
Samatala, iminungkahi din ng senador sa pamunuan ng Metro Pacific Tollways Corp. na bigyan ng refund ang mga motorista na na-stranded sa North Luzon Expressway (NLEX) dahil sa pagbaha.
MOST READ
LATEST STORIES