22 patay sa nadiskaril na tren sa Pakistan

Nasawi ang 22 at 50 ang nasaktan sa mga sakay ng isang tren sa Sindh, Pakistan kahapon.

Base sa mga ulat, tumatawid ang Hazara Express sa canal bridge sa bayan ng Sarhari nang madiskaril ang 10 bagon.

Sinabi ni Regional Police Deputy Inspector General Muhammad Younis Chandio minadali ng rescue at police teams na makuha ang mga sugatan at dinala sa mga ospital.

Naniniwala din si Chandio na maaring lumubo pa ang bilang ng mga nasawi dahil may na-trap pa sa loob ng mga bagon.

Aniya nagdeklara na ng state of emergency sa distrito at suspindido muna ang mga biyahe sa riles base sa anunsiyo ngh Pakistan Railways.

Nabatid na nagmula sa Karachi ang Hazare Express at patungo sa Punjab Province, bago sa huling destinasyon nito sa Khyber Pakhnunkhwa nang mangyari ang trahedya.

 

Read more...