P275 milyong halaga ng ayuda, naipamahagi ng DSWD sa mga biktima ng bagyo at habagat

 

Nasa P275 milyong halaga ng ayuda na ang naipamahagi ng pamahalaan at non-government organizations sa mga pamilyang apektado ng Bagyong Egat at habagat.

Ayon kay Social Welfare Director Michael Christopher Mathay, nasa P2.2 bilyon ang available na relief resources.

“The total cost of humanitarian assistance is 275 million plus pesos. This is provided by DSWD, LGUs, NGOs and other partners. And inyong available relief resources naman natin ay halos nasa P2.2 billion (pesos).  These are standby funds, quick response funds,” pahayag ni Mathay.

“This is cash and iyong cost of stockpiles natin. Ito iyong mga food and non-food items.  Iyong food times is iyong family food packs. Tapos iyong non-food items ay iyong mga kitchen kits, hygiene kits, sleeping kit, and family kit (containing clothes for the whole family),” dagdag ni Mathay.

Nasa P1.8 bilyong stockpile aniya ang available.

Tinatayang nasa 3.2 milyon katao mula sa mahigit 5,000 barangay ang naapektuhan ng bagyo at habagat.

Kabilang sa mga nabigyan ng ayuda ang Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western, Eastern, at Central Visayas, Davao region, Soccsksargen, at Cordillera Administrative Region.

 

Read more...