(Photo: CBCP News)
Hinikayat ni Cardinal Luis Antonio Tagle ang mga katolikong mananampalataya na maging social media influencers at itaguyod ang mga salita ng Diyos.
Sa ulat ng CBCP News, sinabi ni Cardinal Tagle sa Filipino pilgrims na dumadalo sa World Youth Day sa Lisbon, Portugal na sana maintindihan lalo na ng mga bata ngayon ang mga salita ng Diyos.
“Please, young people of the Philippines, spread the influence of Jesus, the influence of truth, justice, caring for the earth, and caring for fellow human beings in the world called social media,” pahayag ni Cardinal Tagle.
“If the one influencing you is Jesus and the Gospel, go right ahead, influence other people through this social media which is a world in itself,” dagdag ni Cardinal Tagle.
Mahigit 1,000 Filipino pilgrim ang dumadalo sa World Youth Day.