Driver ng kongresista sa Batangas patay matapos barilin

 

Patay ang driver ni Batangas 1st District Congressman Eric Buhain matapos barilin ng riding-in-tandem sa bayan ng Balayan.

Nakilala ang nasawi na si Edgardo Sanbuenaventura, 51 anyos.

Sa inisyal na ulat ng Philippine National Police, naglalakad si Sanbuenaventura patungo sa palengke sa Barangay Ermita-Calzada nang biglang sumulpot ang dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo at pagbabarilin ng malapitan.

Agad naman na tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril.

Narekober ng mga pulis ang 11 na basyo nab ala ng kalibre 45.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang PNP kaugnay sa insidente.

 

Read more...