Tapat ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tuparin ang pangakong peace agreement sa Moro Islamic Liberation Front.
Ayon kay Special Assistant to the President Secretary Anton Lagdameo, sa ilalim ng Social Protection program, nasa 5,500 na combatants na ang nagbalik loob sa pamahalaan at nabigyan ng pinansyal na ayuda habang nasa 35,000 naman ang nagpo-proseso ng birth certificate applications.
Para sa Capacity Development, nasa 3,000 decommissioned combatants ang nakakumpleto na sa skills training sa TESDA, habang nasa 3,658 sa kanilang mga kaag-anak ang nakapagtapos ng basic education sa pamamagitan ng Alternative Learning System.
“The completion of the third phase signifies the strong partnership of the government and the MILF to pursue a singular mission of transforming the Bangsamoro…..reflective of the President’s vision to build a Bangsamoro that is self-governing, progressive, and effective,” pahayag ni Lagdameo sa decommissioning sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.
“The national government also maintains its dedicated support and commitment to the other aspects of the Normalization Program such as socioeconomic development, security, transitional justice and reconciliation, and confidence-building measures including amnesty,” dagdag ng kalihim.
Patuloy din aniya ang konstruksyon sa tatlong community irrigation systems sa Maguindanao habang malapit nang matapos ang anim na Rural Health Units with Birthing Facilities.