Nasa 650 enforcers ang ipakakalat ng Metro Manila Development Authority sa kahabaan ng Edsa.
Ito ay para sa one time, big time na limang araw na pag-aayos sa Edsa na magsisimula ng 10:00 mamayang gabi at tatagal ng hanggang Agosto 9.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni MMDA Director for Traffic Group Attorney Victor Nuñez, na aalalay ang kanilang mga tauhan sa mga motoristang dadaan sa Edsa.
Pinayuhan naman ni Nuñez ang publiko na huwag na munang lumabas kung walang importanteng lakad sa harap ng inaasahang matinding traffic na mararanasan sa Edsa.
Para sa mga taga-South, mainam aniyang gamitin muna ang Skyway.
Alas-10 mamayang gabi uumpisahan ng DPWH road repair works partikular ang pag-aaspalto sa mga pothole dulot ng mga pag-ulan.
Tatagal ang pagkukumpuni sa magkabilang kalsada hanggang August 9 o Miyerkules sa susunod na linggo.