Senior citizens pinabibigyan ni Sen. Jinggoy Estrada ng 20% travel tax discount

Hiniling ni Senator Jinggoy Estrada na mabigyan ng 20 porsiyentong diskuwento sa travel tax ang senior citizens.   Ikinatuwiran ni Estrada sa inihain niyang Senate Bill 2379, makakabuti kung mapapagaan ang gastusin ng senior citizens kung nais nilang bumiyahe sa loob at labas ng bansa.

“Para sa mga kagaya ko na senior citizen na nais na makapag-travel sa iba’t ibang lugar, maging sa ibang bansa, malaking bagay kung may diskwento sa mga gastusin nila lalong lalo na sa mga binabayarang buwis. Para sa mga ordinaryong senior citizens, ang matitipid nila ay maaari nilang ipangtustos sa iba pa nilang mga bayarin,” ani Estrada.

Nais ng senador na mapalawig ang  Section 4 ng Republic Act No. 7432 o ang Senior Citizens Act.

Naniniwala din si Estrada na kung maaaprubahan ang kanyang panukala, mahihikayat nito ang senior citizens na bumiyahe at  tuklasin ang mga bagong lugar at maranasan ang ibat-ibang ibang kultura na maaaring makaambag pa sa kanilang pangkalahatang kalidad ng buhay.

Napakahalaga, diin pa nito, sa kapakanan ng mga nakakatandang populasyon ang pagpasyal o pagpunta sa ibang lugar, bukod pa sa makakatulong pa rin sila sa ekonomiya.

Read more...