Chiz may suhestiyon sa Malakanyang ukol sa 2016 Arbitral Ruling
By: Jan Escosio
- 1 year ago
Hinimok ni Senator Francis Escudero ang administrasyong-Marcos Jr., na maghain ng “Special Action for Recognition of Foreign Judgment” sa Korte Suprema para pormal na kilalanin ang naging desisyon ng Permanent Court of Arbitration (PCA) upang hindi ay maging batas na ng Pilipinas.
Magugunita na idinulog sa PCA ng administrasyong-Noynoy Aquino ang isyu ng nine-dash line ng China sa South China Sea at noong 2016 lumabas ang desisyon pabor sa Pilipinas.
Sinabi ni Escudero na ang kanyang suhestiyon ay maaring maging isa sa mga opsyon ukol sa Senate Resolution 78, na pagkondena sa mga agresibong aksyon ng China sa West Philippine Sea at paghimok sa gobyerno na igiit ng sobereniya ng bansa sa ating exclusive economic zone (EEZ).
Dagdag pa ng senador na maaring magandang alternatibo ang pagkilala ng Korte Suprema sa Arbitral Ruling sa halip na idulog pa sa United Nations
General Assembly (UNGA) ang isyu.
“Ang pwedeng pag-aralan ng Office of the Solicitor General ay maghain ng petition sa Korte Suprema sa ‘recognition of foreign
judgment,” ani Escudero.
Dagdag pa niya: “Kung may pasya na ang korte na kinikilala ang Arbitral Ruling dito sa ating bansa, iyan ay magiging bahagi na ng batas
ng Pilipinas.”