Kung tototoo ang napabalitang pagtatakda ng multa sa mga may-ari ng mga sasakyan na hindi pa nakukuha ang plaka, sinabi ni Batangas Representative Ralph Recto na dapat ay pag-isipan ito ng husto ng Land Transportation Office (LTO).
Katuwiran ni Recto matagal nang nabayaran ang mga plaka ng mga motorista, bukod pa sa paghihintay kayat hindi dapat sila takutin ng multa.
Dagdag pa ng mambabatas, hindi dapat magmadali ang LTO dahil naghintay ng matagal ang mga motorista.
Aniya malaki pa ang “backlog” at mali na palitawin o magbigay ng impresyon na marami ng plaka.
Mali aniya na ibunton ang sisi sa mga motorista at ang dapat gawin ng LTO ay bigyan ang mga ito ng konsiderasyon.
Bukod pa dito, dapat din ang madaliin ng ahensiya ay ang produksyon ng mga plaka ng sasakyan dahil nagmimistula na itong bangungot.