Canada kasama na sa “Eras Tour” ni Taylor Swift

 

 

Kasama na ngayon ang Canada sa “Eras Tour” ni US superstar Taylor Swift.

Ito at matapos umapela si Prime Minister Justin Trudeau na huwag kalimutan ang Canada.

Ayon sa pahayag ng concert sponsor na Rogers Communications, anim na shows ang gagawin ni Swift sa Canada.

Sisimulan ang pagbebenta ng ticket sa Nobyembre 2024.

Gagawin ang tour ni Swift sa Canada sa Nobyembre 14 hanggang 16 at 21 hanggang 23, 2024

Sa Instagram post ni Swift, sinabi nito na “Turns out it’s NOT the end of an era.”

Inaasahang magpi-perform sa concert ni Swift sa Canada si US singer Gracie Abrams na anak ni film director J.J. Abrams.

Nasa 100 concerts ang gagawin ni Swift sa Amerika, Mexico, Europe, Asia at Australia.

 

Read more...