Mining contracts, bubusisiin ng susunod na liderato

 

Inquirer file photo

Agad na pag-aaralan ng Duterte administration ang mga kontrata at mga permit na naaprubahan sa nakalipas na mga administrasyon sa oras na maupo na ang susunod na liderato sa puwesto.

Ito ang inihayag ni incoming presidential spokesperson Ernesto Abella, kasabay ng paglilinaw na walang magaganap na ‘ban’ sa pagmimina sa bansa, at sa halip, kailangang ipairal lamang ng mga ito ang ‘responsible mining’.

Aniya, kahit na kilalang anti-mining advocate ang susunod na kalihim ng Deparment of Environment and Natural Resources (DENR), naniniwala ang susunod na administrasyon sa kahandaan nitong mag-‘adjust’ sa kanyang posisyon.

Matatandaang si Gina Lopez, na isang kilalang environmentalist ang napili ni Duterte na maging DENR Secretary sa oras na maupo na ito bilang pangulo ng bansa.

Simula nang tanggapin ni Lopez ang alok ni Duterte, bumagsak ang presyo ng shares of stocks ng mga mining companies.

Read more...