(Facebook/University of the Philippines)
Tiniyak ng Department of Budget and Management na hindi maapektuhan ang admission ng mga estudyante sa University of the Philippines.
Ito ay kahit na tinapyasan ang pondo ng UP para sa taong 2024.
Nasa P22.59 bilyon ang panukalang budget ng UP para sa susunod na taon, mas mababa ito kumpara sa P25.52 bilyong pondo ngayong taon.
Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na kaya binawasan ang pondo ng UP dahil patapos na ang infrastructure project sa eskwelahan.
Sabi ni Pangandaman, hindi na kailangan na paglaanan pa ng pondo kung tapos na ang isang proyekto.
MOST READ
LATEST STORIES