Nasa 84 na volcanic earth volcanic earthquake, 153 na rockfall events at limang pyroclastic density current events ang naging aktibidad ng Bulkang Mayon sa Albay.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, mabagal ang pagdaloy ng lava na may haba na 2.8 kilometro sa Mi-isi Gully, 3.4 kilometro sa Bonga Gully, at 600 metro sa Basud Gully. May pagguho ng lava ng hanggang 4 na kilometro mula sa crater.
Nasa 3, 465 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan.
Katamtaman ang pagsingaw ng plume na napadpad sa hilagang silangan.
Nanatili sa Alert Level 3 ang bulkan.
MOST READ
LATEST STORIES