P45 milyong halaga ng shabu, nasabat sa Pasay City

 

Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs ang P45 milyong halaga ng shabu sa Paircargo Warehouse sa Pasay City.

Ayon sa BOC, idineklarang “African Cultura” ang shabu na galing ng Dubai, United Arab Emirates.

Sabi ng BOC, orihinal na nanggaling ang kargamento sa Johannesburg, South Africa at naka-consign sa Makati City.

Sakay ang kargamento sa Emirates Airlines flight number EK 0336.

Base sa x-ray screening at physical examination ng Paircargo Assessment team, nadiskubre na nakalagay sa unan, kumot, nuts, seeds, at jumbo peanuts ang illegal na droga.

Nakumpirma ng PDEA laboratory testing na shabu ang nakumpiskang ilegal na droga.

 

Read more...