Pangulong Marcos nakipagpulong sa mga senador

(Courtesy: Bong Go)

 

Bukod kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, nakipagpulong din  si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa ilang mga senador sa Bahay Pangarap sa Malakanyang kagabi. Base sa mga larawang ibinahagi ni Senador Bong Go, kasama sa meeting at dinner si First Lady Liza Marcos. Tanging sina Senators Koko Pimentel, Risa Hontiveros at Chiz Escudero lamang ang hindi dumalo. Ginawa ang dinner matapos ang pagpupulong nina Pangulong Marcos at Duterte sa Palasyo ng Malakanyang. Wala pang inilalabas na detalye ang Palasyo tungkol sa napag-usapan ng mga ito pero sa naunang impormasyon sinabing may kinalaman ang meeting sa resolusyon ng Senado sa usapin ng West Philippine Sea. Sa Senate Resolution 718, binibigyan ang ehekutibo ng options kung paanong tutugunan ang panghihimasok ng China sa West Philippine Sea, kabilang ang pag-akyat ng isyu sa United Nations General Assembly.

Read more...