142 na PDL nakapagtapos ng pag-aaral

 

Nasa 142 na persons deprived of liberty (PDL) sa Quezon City Jail Female Dormitory ang nagsipagtapos sa ilalim ng Alternative Learning System (ALS).

Katuwang sa programa ng QC Jail ang Department of Education, Schools Division Office-Alternative Learning System at Bureau of Jail Management of Penology.

Sabi ng QC Jail, patunay ito na walang rehas na makahahadlang sa hangarin ng mga PDL na makapagtapos ng pag-aaral.

Sa naturang bilang, 38 PDLs ang nakapagtapos sa elementarya at 104 naman sa junior high school.

Dumalo sa pagtatapos ng mga PDL si Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Sabi ni Belmonte, inspirasyon sa lahat ang pagtatapos ng mga PDL.

 

Read more...