Marcos at Duterte, nagpulong sa Malakanyang para talakayin ang meeting kay Xi Jinping

(PCO)

Nagpulong sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Palasyo ng Malakanyang.

Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil, nais ni Duterte na ipaabot kay Marcos kung ano ang napag-usapan nila ni Chinese President Xi Jinping sa China.

“They also discussed other issues. The former President likewise gave some good pieces of advice to President Marcos,” pahayag ni Garafil.

Kasama ni Duterte na nagtungo sa Malakanyang sina Senador Bong Go at dating Executive Secretary Salvador Medialdea.

Nasa pagpupulong din sina Solicitor General Menardo Guevarra, Executive Secretary Lucas Bersamin, Special Assistant to the President Secretary Anton Lagdameo, Defense Secretary Gilberto Teodoro at si Garafil.

Una nang sinabi ni Marcos na hindi nag-abiso si Duterte nang makipagpulong kay Xi.

Sabi ng Pangulo, sana ay pinag-usapan ng dalawa ang tungkol sa West Philippine Sea.

 

 

Read more...