Hinikayat ni Senator Nancy Binay today ang Department of Foreign Affairs (DFA) na obligahin na humarap sa Philippine consular offices sa ilang kategorya ang may aplikasyon para sa e-visas.
Bagamat maganda, ayon kay Binay, ang electronic visa, makakabuti na may sapat na “safeguards” ang DFA upang hindi mapaikutan o mabutasan ang programa ng mga organisadong sindikato na gagamitin sa kanilang masamang balakin ang group tours o junkets.
“We welcome the implementation of e-visas not only to positively boost tourism, but also as our commitment to facilitate ease of travel. In the same vein, we urge the DFA and NICA to refine national security policies to deter undesirable travelers from extra-legally bypassing immigration laws. Alam naman nating marami ring pumupunta sa Pilipinas na iba ang pakay—mas i-review natin ang mga sistema at exemptions to avoid any misuse and abuse by some foreign nationals,” pagpupunto ng namumuno sa Senate Committee on Tourism.
Ani Binay makakatulong ang digitalisasyon ngunit kailanman ay hindi dapat makompromiso ang pambansang seguridad.
“Though the e-visa system temporarily gives us an opportunity to recover and jumpstart Philippine tourism, kailangan natin magkaroon ng serious strategic decision on embracing the system as a modern travel solution. Every visa decision has a national security dimension. Certain parameters on security should be in place, and apply a multi-layered safety plug plus a face-to-face interview to a narrow category of travelers para talagang salang-sala ang mga pumapasok sa bansa,” dagdag pa ni Binay.
Diin nito kailangan ay masala ng husto ng national security offices ang e-visa applications dahil laganap ang transnational crimes tulad ng human trafficking at prostitution.
Tama aniya ang DFA na dapat ay face-to-face interviews sa mga aplikante na nasa “marked profiles.”