Higit 160 public schools napinsala sa bagyong Egay, habagat

Ibinahagi ng Department of Education (DepEd) na higit 160 pampublikong paaralan ang napinsala sa pananalasa ng bagyong Egay at dahil sa epekto ng habagat. Nabatid na 169 ang eksaktong bilang ng mga napinsalang paaralan sa siyam na rehiyon – Cordillera Administrative Region (CAR), National Capital Region (NCR), Region I, Region II, Region III, CALABARZON,  (MIMAROPA), Region V, at Region VIII. Ayon sa kagawaran, mangangailangan ng P810 milyon para sa pagsasa-ayos at rehabilitasyon ng mga napinsalang paaralan. Samantala, naibahagi ng DepEd na 68 paaralan sa CAR, Cagayan Region, Central Luzon at Western Visayas ang ginamit na evacuation centers. Una nang ipinag-utos ni Pangulong Marcos Jr., ang pagsasagawa ng imbentaryo sa mga napinsala ng kalamidad na pampublikong-paaralan Aniya dapat ay agad ayusin ang mga paaralan dahil naitakda na sa Agosto 28 ang muling pagsisimula ng mga klase.

Read more...