Napanatili ng Bagyong falcon ang lakas habang tinatahak ang sea southeast of Okinawa Islands.
Base sa 5:00 a.m. advisory ng PAGASA, namataan ang sentro ng bagyo sa 925 kilometro silangan hilagang-silangan ng Extreme Northern Luzon.
Kumikilos ang bagyo sa 20 kilometro kada oras sa hilagang kanluran.
Taglay ng bagyo ang hangin na 175 kilometro kada oras at pagbugso na 215 kilometro kada oras.
Inaasahang nasa hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes o labas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo ng 2:00 ng madaling araw bukas, Agosto 2.
Wala namang itinaas na tropical cyclone wind signal ang PAGASA.
MOST READ
LATEST STORIES