Aluminum boat ng nawawalang apat na rescuers, natagpuan na

 

 

 

Natagpuan na ang aluminum boat na ginamit ng apat na nawawalang Philippine Coast Guard (PCG) rescuers sa Barangay Fuga, Aparri, Cagayan.

Ayon sa PCG District North Eastern Luzon, bagamat natagpuan ang aluminum boat, hindi pa rin mahanap ang apat na rescuers.

Natagpuan ang aluminum boat ng MV Eagle Ferry habang naglalagayag sa katubigang sakop ng Calayan Island.

Ayon sa Kapitan, nakitang palutang-lutang ang alimunim boat pitong milya mula sa naturang isla.

Nagpapatuloy naman ang aerial at surface search and rescue operations ng PCG sa apat na rescuers na nawala sa kasagsagan ng Bagyong Egay noong Hulyo 26.

 

 

Read more...