Lalo pang lumakas ang Bagyong Falcon.
Base sa 5:00 a.m. advisory ng PAGASA, kumikilos ang bagyo sa north northwestward sa Philippine Sea.
Pinalalakas ng bagyo ang Southwest Monsoon o Habagat na nagdudulot ng pag-ulan saLuzon.
Namataan ang sentro ng bagyo sa 1,079 kilometro silangan ng Extreme Northern Luzon.
Taglay ng bagyo ang hangin na 150 kilometro kada oras malapit sa sentro at pagbugso na 185 kilometro kada oras.
Wala namang itinataas na storm signal ang PAGASA.
READ NEXT
Sapat na suplay ng bigas sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Egay, tiniyak ni Pangulong Marcos
MOST READ
LATEST STORIES