Titiyakin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na sapat ang suplay ng bigas sa bansa.
Sa situation briefing sa Abra, sinabi ng Pangulo na pabibilisan din ang pagbabalik sa suplay ng kuryente sa mga lugar na naapektuhan ng Bagyong Egay.
“Again, rice, for me, is the most important,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Sabi ng Pangulo, kailangan ngayon ng gobyerno na maghanap ng supplier ng bigas para makapagbigay ang National Food Authority ng emergency support.
Ayon sa Pangulo, kailangan din na pag-aralan kung paano mareremedyuhan ang mga gulay na nasira ng bagyo sa Benguet.
Sabi ng Pangulo, wala sa polisiya ng gobyerno ang mag-angkat sa ibang bansa. Gagawin lamang aniya aniya ang importasyon kung hindi na stable ang presyo ng mga bilihin.
“Hindi ‘yan magiging policy. We will not import any agriculture [product] unless we see that the supply is so low that the prices will become out of reach sa ordinary consumer,” pahayag ni Pangulong Marcos.