LPA namataan sa West Philippines Sea

 

Inquirer.net/noah dost

Isang low pressure are (LPA) ang binabantayan ng PAGASA na namumuo sa West Philippines Sea.

Sa pinakahuling advisory ng weather bureau, namataan ang LPA may 460 kilometro ang layo mula sa kanlurang bahagi ng Calapan, Oriental Mindoro.

Napapaloob ito sa Intertropical Convergence Zone o ITCZ na siya namang nakakaapekto sa Kabisayaan at Mindanao.

Bunsod nito, makakaranas ng maulap na kalangitan na may bahagyang pag-ulan ang Palawan, Visayas at Mindanao area sa susunod na 24 oras, ayon sa PAGASA.

Read more...