PBA legend Ramon Fernandez bagong PSC commissioner

Ramon fernandez
Inquirer file photo

Tinanggap na ni basketball legend Ramon Fernandez ang alok ni President-elect Rodrigo Duterte na maging commissioner ng Philippine Sports Commission (PSC).

Pangungunahan ni William “Butch” Ramirez ang nasabing government sports agency.

Una nang inalok ni Duterte kay Fernandez ang pagiging chairman ng PSC ngunit tinanggihan niya ito.

Sa halip ay inalok na lamang ito ng incoming president kay Ramirez.

Kasunod nito, nakatakda nang makipag-usap sina Ramirez at Fernandez kay outgoing PSC chairman Richie Garcia sa darating na Martes para sa ilang mga proyekto.

Inaasahang tatlo pang commissioners ang i-aappoint upang makumpleto na ang board members ng PSC bago pumasok ang buwan ng Hulyo.

Read more...