15 sa 18 “resigned” police officials naka-puwesto pa rin – PNP
By: Jan Escosio
- 1 year ago
Inamin ng pambansang-pulisya na nananatili sa puwesto ang 15 sa 18 senior police officials na tinanggap ng Malakanyang ang courtesy resignation.Sinabi ni PNP spokesperson, Col. Jean Fajardo, ang lima naman ay nasa “floating status” matapos mailipat sa Personnel Holding and Accounting Unit.Aniya ang pananatili sa puwesto ng 15 ay depende sa ilalabas na paglilinaw ng Malakanyang.Dagdag pa ni Fajardo, wala pa silang kopya ng dokumento na pinirmahan ni Pangulong Marcos Jr., sa pagtanggap nito ng pagbibitiw sa puwesto ng 18 third-level officers ng pambansang pulisya.“Kung matatandaan niyo nung nagkaroon ng panawagan, may pronouncement before na once our resignation will be accepted, we will be considered as optionally retired for purposes of receiving our retirement benefits. Isa po yon sa ika-clarify – kung ano ‘yung status ng 18, kung confirmed na sila ‘yung nasa dokumentong pinirmahan ng president,” aniya.