26 patay sa pagtaob ng bangka sa Binangonan

 

Nasa 26 katao na ang kumpirmadong nasawi matapostumaob ang bangka sa Binangonan, Rizal.

Ayon sa Philippine Coast Guard, sakay ang mga nasawi sa M/B Araya nang salubungin ng malakas na alon.

Sa 26 na nasawi, 14 ang nakilala na habang patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng 12 iba pa.

Nasa 40 na pasahero naman ang nakaligtas.

Ayon sa PCG, 42 ang maximum na capacity ng bangka.

Patuloy ang ginagawang retrieval operation ng PCG.

Galing ang bangka sa Port of Binangonan at patungo sana sa Talim Island nang maganap ang insidente.

Read more...