Pangulong Marcos nakatutok sa Bagyong Egay

KUALA LUMPUR, MALAYSIA—Nakatutok si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa sitwasyon sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong  Egay. Ito ay kahit na nasa tatlong araw na state visit ang Pangulo sa Malaysia. Kung mapapansin ayon sa Pangulo, wala sa mga miyembro ng gabinete na may kinalaman sa disaster response ang kasama sa Malaysia. “Well, if you will notice, none of the agency heads on these disaster responses are here. I am getting twice daily reports from Secretary Gatchalian and from PAGASA and from the Coast Guard, Admiral Abu,” pahayag ni Pangulong Marcos. Sabi ng Pangulo, ang mga lugar sa Cagayan  hanggang Isabela, Ilocos Sur, Abra ang labis na naapektuhan ng bagyo. “So, well, we did what we always do when we are anticipating a storm. Sinabi ko magpadala na kayo ng gamit and mga relief goods lagay na ninyo sa isang lugar na ligtas para hindi naman masayang,” sabi ni Pangulong Marcos. Ayon sa Pangulo, hihintayon muna na nakalabas ang bagyo para ma ipamahagi ang ayuda. Sa ngayon aniya, 80 porsyento na ng suplay ng kuryente sa mga binagyo ang naibalik na. Tiniyak ng Pangulo na may ayuda na ibibigay ang pamahalaan lalo na sa mga magsasaka na katatapos lamang magtanim. “And some areas kakatanim lang. So, we’ll have to go back and find out what are the areas na nasira ang bagong tanim para makapagbigay tayo ng seedlings para makabawi naman sila baka maihahabol pa nila ‘yung season na ito,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Read more...