Pangulong Marcos bumisita kay Sultan Ibrahim Iskandar

KUALA LUMPUR, MALAYSIA–Apat na oras na maantala ang pag-uwi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. mula sa tatlong araw na state visit sa Malaysia. Alas 2:30 ngayong hapon sana ang uwi ng Pangulo. Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil, makikipagpulong pa kasi ang Pangulo kay Sultan  Ibrahim Iskandar, Sultan of Johor. Sabi ni Garafil, personal na pagbisita ang gagawin ng Pangulo dahil kaibigan niya ang Sultan. Dahil dito, 11:00 pa mamayang gabi ang dating ni Pangulong Marcos sa Manila.

Read more...