Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) ang paglubog ng isang motorbanca sa bahagi ng Laguna de Bay sa Talim Island sa Binanganon, Rizal kaninang hapon.
Kumpirnadonng 21 sa mga pasahero ang nalunod, samantalang may 30 iba ang nailigtas.
Nangyari ang insidente, ala-1 ng hapon at diumano nag-ipon ang mga sakay ng M/B Princess Aya sa isang bahagi ng bangka nang matakot sa malakas na bugso ng hangin.
May ulat, na dalawang babaeng pasahero ng bangka ang idineklarang dead on arrival sa isang lokal na ospital alas-4:30 ng hapon.
Samantala, sa pagbuti ng panahon, magpapadala na ang ng isang helicopter para sa paghahanap sa nawawala nilang apat na tauhan sa karagatan na sakop ng Abulug, Cagayan.
Kaninang umaga, isinagawa ang unang search and rescue mission ngunit inihinto dahil sa masamang panahon dulot ng bagyong Egay.
Sa paunang impormasyon, magsasagawa ng rescue mission ang apat kahapon ng umaga nang lumubog ang kanilang aluminum boat dahil sa malakas na hangin at mataas na alon.
Ngayon hapon, kinumpirma ng Coast Guard ang paglubog ng isang bangka sa tubig na sakop ng Talim Island sa Binangonan, Rizal