PAGASA nagbabala sa panibagong bagyo na lumalapit sa Eastern Visayas

Kasabay sa paglabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ng bagyong Egay kaninang umaga ay ang pagtutok ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa isang low pressure area (LPA) na maaring maging bagyo.

Bago mag-tanghali, ang LPA ay huling namataan sa layong 1,585 kilometro ng Eastern Visayas.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kilometro kada oras at bugso na aabot sa 70 kilometro kada oras.

Tatawagin itong ‘Falcon’ kapag naging ganap na bagyo.

Ito na ang pang-anim na bagyo na pumasok sa PAR ngayon taon at ikatlo ngayon buwan.

Posible na lumakas pa ito pagpasok sa PAR.

 

 

Read more...