Red alert sa Bilibid binawi na, pagdalaw ok na uli

Binawi na ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang ang idineklarang red alert sa National Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Bunga nito, maari na muling madalaw ang mga bilanggo.

Magugunita na nagdeklara ng red alert si Catapang matapos ang kaguluhan noong Martes ng gabi sa Maximum Security Compound na nagresulta sa pagkamatay ng isa at pagkakasugat ng siyam iba pa.

Kasabay nito, nadiskubre ang pinaniniwalaang mga labi ng nawawalang person deprived of liberty (PDL) sa isang poso negro.

Iniimbestigahan na kung may mga labi pa ng tao ang nasa poso negro kayat inaalam na ng pamunuan kung may mga bigla na lamang na naglaho na mga preso nitong mga nakalipas na taon.

 

Read more...