VP Sara at Speaker Romualdez naplantsa na ang “tambaloslos” issue

Kuala Lumpur, Malaysia – Nagkabati na sina Vice President Sara Duterte at House Speaker Martin Romualdez. Ito ay matapos ang sigalot ng dalawang lider nang mag-post sa Twitter si Duterte ng salitang “tambaloslos” na pahaging kay Romualdez. Ayon kay Romualdez, maayos na ang relasyon nila ngayon ni Duterte. Kung pagbabasehan aniya ang litrato nina Romualdez at Duterte sa pag-alis ni Pangulong  Marcos Jr. bago nagtungo sa Malaysia noong Martes, Hulyo 25, makikita na nagtatawanan ang dalawa. Sabi ni Romualdez, unity naman ang kanyang adbokasiya. Matatandaan sa isang talumpati, sinabi ni Duterte na ayaw niyang banggitin ang middle name ni Pangulong Marcos Jr., na Romualdez  dahil kaapelyido ito ng taong iniiwasan niya.

Read more...