5 patay sa landslides sa Baguio City, Benguet

BAGUIO CITY PIO PHOTO

Nasawi ang limang katao sa mga insidente ng pagguho ng lupa sa Baguio City at Benguet.

Kabilang sa nasawi ang isang 16-anyos na estudyante, na residente ng Barangay Bakakeng, at kasama naman sa pitong nakaligtas ang kanyang mga magulang.

Nangyari ang insidente kahapon ng umaga. Nailigtas ang mga magulang makalipas ang dalawang oras na paghuhukay.

Nabatid na hindi na nakalabas ng kanyang kuwarto ang binatilyo at idineklara siyang dead on arrival sa ospital.

Samantala, apat katao naman ang namatay at lima ang nailigtas nang matabunan  ang dalawa bahay sa bayan ng Buguias sa Benguet.

Base sa ulat, madaling araw kahapon nang bumagsak ang concrete riprap .

Nasawi sa insidente ang tatlong bata na may edad 2, 5 at 12.

 

 

 

Read more...