44,000 pamilya apektado ng pananalasa ng super bagyo

Nagpapatuloy ang pananalasa  ng bagyong  “Egay” sa malaking bahagi ng Luzon at humigit kumulang 44,000 pamilya ang apektado.

Ito ang ibinahagi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) base mga ulat mula sa ibat-ibang rehiyon.

Bineberipika na ang ulat na may nasawi sa Cardona, Rizal, bukod pa sa dalawang nasugatan.

Marami sa mga apektadong pamilya ay sa Central Luzon sa bilang na 28,696, kasunod sa Western Visayas (8,034) at Central Mindanao(4,102).

Ang iba pang mga apektadong pamilya ay sa Ilocos Region, Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon), Mimaropa (Oriental and Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan), Bicol Region at Northern Mindanao.

May 8,917 pamilya ang lumikas mula sa kanikang bahay at karamihan ay sa Western Visayas.

Samantala, higit 8,000 indibiduwal naman ang stranded sa mga pantalan dahil sa pagsuspindi ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga biyahe sa karagatan.

 

Read more...