5 trabahador patay sa pagbagsak ng tulay

Nasawi ang limang manggagawa, samantalang dalawa naman ang nasugatan nang bumagsak ang ginagawang steel bridge noong hapon ng Lunes.

Kinilala ang mga nasawi na sina Cris Napao, 44, mason; Jimboy Liga, 28,  boom truck operator; Elmer Sayson, 44,  foreman; Jay Bangonan, 22, mason; at Rolando Abing, 40, obrero.

Sugatan naman sina Meljay Bero, 29, obrero at Jonathan Dispo, 38, mason.

Nangyari ang insidente alas-3:30 ng hapon sa ginagawang tulay sa Sitio Kibakak sa Barangay Malamba.

Bumagsak ang tulay sa taas na 60 talampakan at inaalam pa ang sanhi.

 

Read more...