Kuala Lumpur, Malaysia–Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Marcos Jr. sa makasaysayang pagkakapanalo ng Women’s National Football Team laban sa New Zealand sa FIFA Women’s World Cup.
Ito ang unang pagkakataon na nakapuntos ang Pilipinas sa World Cup. “Congratulations to our Philippine Women’s National Football Team on their historic triumph against New Zealand at the FIFA Women’s World Cup today!” pahayag ng Pangulo. Sabi ng Pangulo, nabuwag ng Filipinas ang barrier at nagbigay ng inspirasyon sa kasalukuyang henerasyon. Bagamat natalo sa unang laban sa Switzerland, sinabi ng Pangulo na nag move up naman ang Filipinas. “A momentous first-ever World Cup win for the Philippines! Mabuhay ang Filipinas!” pahayag ng Pangulo. Matatandaang historic debut ang ginawa ng 22-strong women football team nang talunin ang host country na New Zealand dahilan para makapasok sa semifinals. Ito ang unang pagkakataon na sumali ang Pilipinas sa Global tournament sa nakalipas na 42 taon. Dahil sa pagkakapanalo ng Filipinas, posibleng makapasok ito sa qualifying matches kapag natalo ang Norway sa Hulyo 30.MOST READ
LATEST STORIES