Nawawalang preso ng Bilibid natagpuan sa poso negro

Natapos na ang ilang araw na paghahanap sa isang nawawalang person deprived of liberty (PDL) sa National Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Base sa paunang impormasyon, sa poso negro  sa Dormitory 8 Quadrant B sa Maximum Security Compound nakita ang biktimang si Michael Angelo Cataroja, 25.

Noon pang nakaraang buwan napa-ulat ang pagkawala ni Cataroja.

Sa naunang pahayag sinabi ni acting NBP Supt. Angelina Bautista na nasentensiyahan sa kasong paglabag sa Anti-Fencing Law si Cataroja at may nakabinbin pang kaso ng carnapping.

Samantala, iniimbestigahan na rin ang pag-aaway ng dalawang bilanggo at may siyam na napaulat na nasaktan.

Read more...