Makikipag-ugnayan si Senator Jinggoy Estrada sa Department of Labor and Employment (DOLE) para alamin ang buong katotohanan sa nabanggit ni Pangulong Marcos Jr., na 95 percent employment rate sa bansa.Hindi kumbinsido si Estrada sa naturang datos na sa kanyang paniniwala ay galing sa DOLE.Aniya hihingiin niya sa DOLE ang pinagbasehan ng nabanggit ng Punong Ehekutibo sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) noong Lunes.Paniwala ng namumuno sa Senate Committee on Labor na maaring nadagdagan ang bilang ng mga may trabaho sa bansa ngunit maaring hindi ito aabot sa porsiyentong nabanggit ni Pangulong Marcos Jr.Ngunit sa kabuuan, dagdag pa ni Estrada, positibo sa kanya ang huling SONA dahil maganda at malinaw ang pagkakalatag ng mga datos ng mga nagawa ng kasalukuyang administrasyon sa unang taon at konkreto ang mga plano.