Halos walang nagbago sa mga datos kaugnay sa super bagyong Egay habang nasa gilid ng Aparri, Cagayan.
Bagamat humina sa 175 kilometro kada oras ang taglay nitong lakas ng hangin malapit sa gitna, lumakas naman sa 240 kilometro kada oras ang bugso nito.
Kumikilos ito sa bilis na 20 kilometro kada oras sa direksyon na pa-kanluran, ayon sa 5am bulletin ng PAGASA at ang epekto nito ay mararamdaman hanggang sa layong 700 kilometro mula sa gitna.
Wala ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 na idineklara kahapon sa Sta. Ana, Cagayan.
Signal No. 4
Luzon:
Hilagang bahagi ng Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Claveria, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Aparri, Buguey, Santa Teresita, Camalaniugan, Santa Praxedes) kasama ang Babuyan Islands, hilagang bahagi ng Apayao (Calanasan, Luna, Santa Marcela), at hilagang bahagi ng Ilocos Norte (Burgos, Bangui, Dumalneg, Pagudpud, Adams, Pasuquin, Vintar, Bacarra)
Signal No. 3
yLuzon:
Batanes, natitirang bahagi ng Cagayan, natitirang bahagi ng Apayao,hilagang bahagi ng Kalinga (Rizal, Pinukpuk, Balbalan), hilagang bahagi ng Abra (Tineg, Lagayan, Lacub, Danglas, Bangued, La Paz, San Juan, Dolores, Tayum, Lagangilang, Malibcong, Licuan-Baay, Peñarrubia, Pidigan, Langiden, San Quintin, Bucay, San Isidro, Sallapadan), natitirang bahagi ng Ilocos Norte, at ang natitirang bahagi ng Ilocos Sur (Magsingal, San Juan, Cabugao, Sinait, San Vicente, Santo Domingo, San Ildefonso, Bantay, Santa Catalina, City of Vigan, Caoayan, Santa, Nagbukel, Narvacan)
Signal No. 2
Luzon:
Isabela,natitirang bahagi ng Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, natitirang bahagi ng Abra, natitirang bahagi ng Ilocos Sur, at La Union
Signal No. 1
Luzon:
Aurora, Quirino, Nueva Vizcaya, Pangasinan, Nueva Ecija, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Zambales, Bataan, Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna, the northern portion of Batangas (Talisay, City of Tanauan, Santo Tomas, Balete, Malvar, Lipa City), hilaga at gitnang bahagi ng Quezon (Pitogo, Calauag, Infanta, Lopez, Guinayangan, Unisan, Plaridel, Quezon, Alabat, Padre Burgos, Mauban, General Nakar, Perez, Agdangan, Gumaca, Atimonan, Real, Tagkawayan, Lucena City, Pagbilao, Lucban, Sampaloc, City of Tayabas, Dolores, Sariaya, Candelaria, Tiaong, San Antonio) kabilang ang Polillo Islands, Camarines Norte, hilagang bahagi ng Camarines Sur (Siruma, Tinambac, Goa, Lagonoy, Caramoan, Cabusao, Sipocot, Garchitorena, Ragay, Del Gallego, Calabanga, Presentacion, Lupi), at ang hilagang bahagi ng Catanduanes (Pandan, Bagamanoc, Panganiban, Viga, Caramoran)