Paul Soriano naka-leave bilang presidential adviser

INQUIRER FILE PHOTO

Kuala Lumpur, Malaysia – Naghain ng leave of absense sa trabaho si Presidential Adviser on Creative Communications Paul Soriano.

Ayon kay Presidential Communications Office Sec. Cheloy Garafil,  inihain ni Soriano ang kanyang leave of absence  ilang araw bago ang ikalawang State of the Nation Address (SONA)  ni Pangulong Marcos Jr. kahapon.

Pag-amin ni Garafil wala siyang ideya kung hanggang kailan naka-leave si Soriano.

Dagdag pa ni Garafil, “personal matters” ang idinahilan ni Soriano sa hindi niya muna pagganap sa kanyang trabaho.

Matatandaang hindi na si Soriano ang nag-direk sa SONA kahapon at ipinaubaya na lamang ito sa Radio Television Malacanang (RTVM).

 

Read more...