Dumating na kaninang hapon sa Malaysia si Pangulong Marcos Jr., para sa unang araw ng kanyang tatlong araw na state visit.
Nabatid na alas-4:51 ng lumapag ang eroplano ng Pangulo at ng kanyang delegasyon sa Kuala Lumpur International Airport.
Ang pagbisita ay pagpapa-unlak ni Pangulong Marcos Jr., sa imbitasyon ni Prime Minister Anwar Ibrahim.
Magugnita na bumisita sa Pilipinas si Ibrahim noong Marso.
Unang haharap bukas si Pangulong Marcos Jr., sa Filipino community sa Kuala Lumpur.
Kasunod ang State Welcoming ceremony na dadaluhan ni Malaysian King Al-Sultan Abdullah sa Istana Negara o ang National Palace.
Magkakaroon ng pulong ang dalawang lider, na susundan ng State Banquet, bilateral meeting kay Ibrahim, at isang joint press briefing.