Matapos maka-iskor sa ika-24 minuto ng laro, sumandal na sa mahigpit na depensa ang Philippine women’s national football team hanggang sa matapos ang laban kontra New Zealand sa Wellington Regional Stadium, 1-0.
Si Sarina Bolden ang umiskor para sa Filipinas at itala sa kasaysayan ang kauna-unahang panalo ng bansa sa FIFA Women’s World Cup.
Sa panalo nagkaroon ng tatlong puntos ang Filipinas sa Group A at nagkaroon ng tsansa na umabante sa “knockout phase.”
Sa Hulyo 30, makakaharap ng Filipinas (Rank 46) ang Norway (Rank 12).
Tinalo ang Filipinas ng Switzerland sa kanilang unang laro noong nakaraang Biyernes, 2-0.
Todo papuri naman si Sen. Pia Cayetano, ang nanguna sa delegasyon, sa panalo ng Filipinas.
“The joy and pride we feel right now at the Wellington Regional Stadium are beyond words! With each heart-pounding second that passed, we awaited this historic victory! Our very first win in the World Cup!” ani Cayetano. Dagdag pa niya: ” Our team has courageously defied the odds and has shown through sports, through football, what Filipinos can do when supported and given the opportunity to excel. They are here at the World Cup competing with the best!”
MOST READ
LATEST STORIES