UPDATE!!! Signal No. 5 sa Babuyan Islands

Nanatili ang lakas at bugso ng hangin na dala ng super typhoon Egay at itinaas na ang Signal No. 5 sa Babuyan Islands habang lumalapit sa kalupaan ng Cagayan.

Sa 5pm update ng PAGASA, huling namataan sentro  ang bagyo sa distansiyang 190 kilometro Silangan ng Aparri, Cagayan.

Inaasahan ang malakas na pag-ulan sa Hilagang Luzon.

Taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hangin na 185 km/h malapit sa gitna at bugso na 230 km/h.

Bumilis ito sa 20 km/h at kumikilos na hilaga-kanluran at mararamdaman ang malakas na hangin sa layong 680 kilometro mula sa gitna ng bagyo.

Dahil sa Signal No. 5, tumindi pa ang banta sa buhay at ari-arian sa mga nasa silangan bahagi ng Babuyan Islands (Camiguin Island).

Signal No. 4

Luzon:

Hilagang bahagi ng Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Claveria, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Aparri, Buguey, Santa Teresita, Camalaniugan, Santa Praxedes) at sa natitirang bahagi ng Babuyan Islands.

Signal No. 3 Luzon: Hilagang bahagi ng Isabela (Divilacan, Maconacon, Palanan, Santa Maria, San Pablo, Santo Tomas, Cabagan, Tumauini), natitirang bahagi ng  Cagayan, Apayao, Ilocos Norte, hilagang bahagi ng Kalinga (Rizal, Pinukpuk, Balbalan), Batanes at hilagang bahagi ng Abra (Tineg, Lagayan, Lacub, Danglas) Signal No.2 Luzon: Natitirang bahagi ng  Isabela, hilaga at gitnang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao), Quirino,  Kalinga, hilagang bahagi ng Nueva Vizcaya (Kasibu, Quezon, Diadi, Bagabag, Ambaguio, Villaverde, Solano, Bayombong), Ilocos Sur, natitirang bahagi ng Abra, Mountain Province, Ifugao,hilagang bahagi ng Benguet (Bakun, Mankayan, Buguias, Kabayan, Kibungan, Atok) at hilagang bahagi ng  La Union (Bangar, Sudipen, Luna, Balaoan, Santol) Signal No. 1 Luzon: Quezon kasama ang Polillo Islands, natitirang bahagi ng Aurora, Nueva Vizcaya, Benguet, La Union, Nueva Ecija, Pangasinan, Tarlac, Zambales, Bulacan, Pampanga, Bataan, Cavite, Metro Manila, Rizal, Laguna, Batangas, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes at Marinduque
Read more...