DOH, FDA hiniling ni Go na maglabas ng guidelines sa paggamit ng artificial sugar

Hinikayat ni Senator Christopher “Bong” Go  sa Department of Health (DOH) at sa Food and Drug Administration (FDA) na magpalabas ng alintuntunin ukol sa paggamit ng artificial sweeteners.

Kasunod ito nang pagtukoy ng  World Health Organization’s (WHO) sa aspartame bilang  carcinogenic substance.

“Ang apela ko po sa DOH, FDA i-explain nang mabuti, nang maayos sa paraan na hindi masyadong teknikal, ‘yung madaling maunawaan ng ordinaryong Pilipino ang risk ng paggamit ng artificial sweetener katulad ng aspartame, itong mga hinahalo natin,” ani Go.

Aniya dapat mas maging agresibo ang dalawang ahensiya sa pagpapaliwanag ukol sa epekto sa kalusugan ng artificial sweeteners tulad ng aspartame, na isang low-calorie sugar.

“Sabi ng WHO, posibleng cancer causing po ito kung masobrahan. Pero safe naman kung magamit po ito within the recommended daily limits. So, may limitasyon po ito, ‘wag lang masobrahan po,” ayon pa sa namumuno sa Senate Committee on Health.

Sa isang pag-aaral ng International Agency for Research on Cancer (IARC), na sangay ng WHO, sa  artificially sweetened beverages, lumabas ang potensyal na kaugnayan ng aspartame sa isang uri ng liver cancer, ang tinatawag na  hepatocellular carcinoma.

Nilinaw naman ng WHO na hindi makakasama ang articial sweetener kung hindi lalabis sa paggamit.

 

Read more...