Cagayan, Isabela at Apayao nasa Signal No. 3, bagyong Egay malapit nang maging super bagyo

Malapit nang umabot sa “super typhoon category” ang bagyong Egay dahil sa patuloy na paglakas. Kaninang alas-4, ang mata ng bagyo ay huling namataan sa distansiyang 350 kilometro Silangan ng Tuguegarao, Cagayan. Taglay na nito ang lakas ng hangin na 175 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugso na aabot sa 215 kilometro kada oras. Kumikilos ito sa bilis na 15 kilometro kada oras at ang lawak ng kanyang epekto ay umaabot sa 680 kilometro mula sa gitna.   Tropical Cyclone Wind Signal No.3
Luzon: -Babuyan Islands -hilaga at silangan bahagi ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Peñablanca, Gattaran, Lal-Lo, Alcala, Santa Teresita, Buguey, Aparri, Camalaniugan, Ballesteros, Allacapan, Abulug, Claveria, Pamplona, Sanchez-Mira, Santa Praxedes, Lasam, Baggao, Amulung, Iguig) -hilagang bahagi ng Isabela (Divilacan, Maconacon, Palanan) -at ang hilagang bahagi ng Apayao (Calanasan, Luna, Santa Marcela, Flora, Pudtol) Signal No. 2 Luzon: -Batanes – natitirang bahagi ng mainland Cagayan -natitirang bahagi ng Isabela -Quirino -hilagang bahagi ng Nueva Vizcaya (Kasibu, Quezon, Diadi, Bagabag, Ambaguio, Villaverde, Solano, Bayombong) -natitirang bahagi ng Apayao – Kalinga -Abra – Mountain Province – Ifugao -hilagang bahagi ng Benguet (Bakun, Mankayan, Buguias, Kabayan, Kibungan) – Ilocos Norte -Ilocos Sur – ang hilaga at gitnang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao) Signal No. 1   Luzon: -La Union -Pangasinan -natitirang bahagi ng Benguet, -natitirang bahagi ng Nueva Vizcaya -natitirang bahagi ng Aurora -Zambales -Bataan -Nueva Ecija -Tarlac – Pampanga – Bulacan -Metro Manila -Rizal -Laguna – Cavite -Batangas -Quezon -Marinduque -Camarines Norte -Camarines Sur -Catanduanes – Albay -Sorsogon -hilagang bahagi ng Masbate (Uson, Dimasalang, City of Masbate, Mobo, Palanas, Aroroy, Baleno) kasama ag Burias at Ticao Islands Visayas: -Northern Samar -hilagang bahagi ng Samar (San Jose de Buan, Matuguinao, Gandara, Santa Margarita, Calbayog City) -at ang hilagang bahagi ng Eastern Samar (Oras, Arteche, Jipapad, Dolores, San Policarpo, Maslog)

Read more...