Pagbuo sa Water Department isinulong ni PBBM, Rep. Herrera nalugod

INQUIRER PHOTO

Labis na ikinatuwa ni  House Deputy Minority Leader Bernadette Herrera sa ginawang paghihimok ni Pangulong Marcos Jr., sa Kongreso na ipasa na ang panukalang pagbuo sa Department of Water Resources (DWR).

“We are ecstatic that the President mentioned as a priority the creation of the Department of Water, which is a bill that I have filed since the 15th Congress,”  sabi ng kinatawan  ng Bagong Henerasyon Party-list.

Dagdag pa niya: “We thank the President for renewing his commitment to establishing a department dedicated to water resource management, and we will continue to work closely with his administration so he can fully deliver on his commitment.”

Bago ang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos Jr., naglabas ng pahayag si Herrera ukol sa kagustuhan niyang maranig ang muling pagsusulong ng Punong Ehekutibo sa pagbuo ng DWR.

Kanina nabanggit ni Pangulong marcos Jr., na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Kongreso para maipasa na ang panukala, na ang layon ay magkaroon ng ahensiya na ang mandato ay siguraduhin ang maayos na pangangasiwa ng lahat ng water resources sa bansa kasama na ang irrigation, sewage and sanitation.

Diin nito napakahalaga ng panukala dahil sa isyu sa krisis sa suplay ng tubig sa bansa.

Noong Hulyo ng nakaraang taon, inihain ni Herrera ang  House Bill (HB) 1013 par sa pagbuo ng DWR,  gayundin ang House Bill  1014 para naman sa pagbuo ng Water Regulatory Commission (WRC) para sa regulasyon ng suplay ng tubig sa bansa.

Bumuo na noong nakaraang Pebrero ang  House Committees on Government Reorganization at Publ angic Works and Highways ng technical working group (TWG) para mapag-isa na ang lahat ng mga panukala.

 

Read more...